Sunday, March 12, 2017

RESEARCH REFLECTION (POEM) Tagalog version



BY: GROUP - 3

Sa simula palang ayaw na kita
yun bang ayaw na kitang makita o marinig ng aking mga tenga,
kase ang aga-aga ikaw ang una
ang unang bubungad sa aming mga mukhang kay saya-saya.

Noong una hindi pa kita lubos na kilala
akala ko nga dati isa ka lang ordinaryong asignatura,
pero kalaunan ikaw ang dahilan kung ba't kami nag mumura
at nagpupuyat para lang makakuha ng magandang marka.

Nagdaan ang mga araw, lingo at buwan nasanay na kami,
sanay ng magpuyat, gumastos at late na umuwi
at may mga panahon talaga na ginawa mo na lahat
pero di parin nagging sapat.

pananaliksik, kaugnay sa ating buhay,
maging sa pag-aaral ay kaugnay.
mga problemang kailangan lutasin,
tanong na kailangan sagutin.
 
sa umaga'y ikaw ang naiisip
sa gabi'y laman din ng isip
pinagtuonan ng pansin ng karamihan
maging ang oras ay ginugulan.

pinagsipagang mabuti upang makapasa
nang sa ganon ay tumaas ang marka
mahirap man ay kakayanin at
mabusisi man ay titiisin naming.

Research subject, alam naming di ka madali
lahat ng oras at panahon sayo na naming binahagi
kaya alam ko na ngayon kung ano ang iyong isusukli
matataas na marka na nagpapangiti sa aming mga labi


1 comment: